May 08, 2005

Happy Mother's Day!

Nobody knows of the work it makes
To keep the home together.
Nobody knows of the steps it takes,
Nobody knows-but Mother.
-Anon

I would venture to guess that Anon, who wrote so many poems without signing them, was often a woman. — Virginia Woolf
...sa nanay ko na pinilit intindihin ang mga bagay na mahirap intindihin sa kanyang ikawalong anak, kay mommy lupe na nagbigay, kay molan na mas naisip maging nanay kaysa mag-asawa, kay lennga na masarap pakinggan ang mga malulutong na tawa, kay queen na mabilisang naging mommy at di ko na nakikita pero natatanaw ko lang ang bahay mula sa bintana ng opisina, kay cecille na sinugod ang pulis na tatay ng nanuntok kay zoeboy, sa mommy ni rocroc na sana ay gumaling na at di na gaanong nahihirapan, sa mommy ni polin na nag-asikaso sa akin nung palagi pa kaming magkasama ng anak nya, sa mommy ni tina na naghanda ng almusal nung nakitulog ako sa bahay nila, sa nanay ni ate sonia na palagi raw akong kinukumusta, sa nanay ni ate lolit na wala na akong balita, kay jean na nanay ni jojo, kay aleth na nanay ni tracy marie, kay beth na may apat na anak at isang naglulukong asawa, sa lahat ng mga inang malayo sa pamilya, sa lahat ng mga lesbyanang ina, sa lahat ng mga ina na walang asawa o piniling hindi mag-asawa, sa lahat ng mga ina na wala nang anak o asawa, sa lahat ng mga ina na hindi magka-anak.

eyed at 9:36 PM

2comments

2 Comments

at 11:21 AM Blogger ikabod said...

wala ba para sa mga lalaking ina?

 
at 4:19 PM Blogger eyed said...

sa lahat ng mga tinuturing at nag-a-identify bilang ina...pwede na? komprehensib?:)

 

Post a Comment